AWOL. Nakakaiyak. Nakakapang-hinayang.
Pagkatapos masiyahan at kilabutan sa “Patay Na Si Hesus” at “Pauwi Na,” sinunod ko ang AWOL para maiba naman. Excited manuod dahil may reputasyon na si Gerald Anderson sa mga ganitong genre ng pelikula (salamat sa “On the Job”).
Nakakaiyak. Nakakaiyak dahil walang bago sa pelikulang ito. Animo’y nanuod ka lang ng isang episode ng isang maaksyong teleserye. Mababaw ang kwento. Walang plot twist. May mga karakter na pagkatapos ng pelikula tatanungin mo ang sarili mo, “Bakit siya kasama? Anong silbi ng role niya?”
Sa kanyang paghihiganti, walang naging problema si Lt. Ibarra. Alam niya kung saan pupuntahan ang mga susunod niyang target. Isang tawag lang sa mistah niya, instant full name at complete address ang alyas na ibinigay niya. Napaka-simple ng script, parang high school play. Ang special effects? Half-half. Yung mga headshot, panalo. Yung mga pagsabog, parang pang-school project.
Nakakapang-hinayang. Sayang dahil may tsansang umangat ang pelikulang ito dahil iba ang genre niya kumpara sa ibang pelikula sa Pista. May pagkakataon ang bida na pakabahin tayo sa mga operations at personal na misyon niya. Kaso walang nangyari. Napakadali ng lahat para sa bida. Parang video game na “super easy” difficulty. Sayang.
Kung limited ang budget, unahin ang ibang pelikula. Pero kung kaya naman, subukan mong panuorin baka swak pala sa iyong panlasa.
Rating: 2/10